Nababahala si Vice President Leni Robredo sa umano’y lumalakas na kultura ng Vigilantism at karahasan sa kampanya ng pulisya kontra iligal na droga.
Sinabi ni Robredo na bagamat suportado niya ang pagsugpo sa krimen at ipinagbabawal na gamot, dapat ay naaayon pa rin ito sa batas.
Umaaasa aniya siya na walang nadadamay na inosente sa giyera ng pamahalaan kontra krimen at droga.
Kaugnay nito, hinimok ni Robredo ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na imbestigahan ang insidente ng pagkamatay ng mga drug suspect.
Sakaling mapatunayang sangkot ang mga ito sa extra judicial killings, dapat itong papanagutin sa batas at parusahan.
By: Meann Tanbio