Nababahala si Vice President Leni Robredo sa implikasyon nang ginawang pag amin ng Pangulong Rodrigo Duterte na personal itong nakapatay ng mga kriminal nuong alkalde pa lang ito ng Davao City.
Sinabi ni Robredo na mistulang may pakahulugan aniya sa mga alagad ng batas ang nasabing pahayag ni Duterte.
Ayon pa kay Robredo tila hinihikayat ng nasabing pahayag ni Duterte ang kultura ng impunity.
Tila aniya binibigyan ng Pangulo ng lisensya ang mga alagad ng batas at maging ang karaniwang mamamayan na pumatay din ng tao kayat nakakatakot na hindi na makontrol ang mga magiging kaganapan sa bansa.
By: Judith Larino