Nababahala si Vice President Leni Robredo sa tila minamadaling pagpasa sa death penalty bill.
Hindi na, aniya, binigyan ng pagkakataon ang maraming kongresistang nais magtanong tungkol sa panukalang batas.
Sinabi ni Robredo na bagamat may mga ebidensyang ipinakita noon sa Kamara hinggil sa bentahe ng parusang kamatayan, wala naman aniyang iniharap na patunay na makapipigil ito ng krimen sa Pilipinas.
Kung hindi naman makapagpapababa ng krimen ang death penalty, wala aniyang saysay na ipatupad ito.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal
Photo Credit: VP Leni Robredo Facebook Account