Kasalukuyang naka-quarantine si Vice President Leni Robredo, kanyang Chief of Staff Undersecretary Phillip Boyet Dy at iba pa niyang mga tauhan.
Ito ang inihayag mismo ng pangalawang pangulo matapos aniya siyang ma-exposed sa isang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong nakaraang linggo.
Ayon kay Robredo, agad niyang pinakansela ang lahat ng kanyang nakatakdang aktibidad matapos mabatid na may nakasalamuha siyang positibo noong Huwebes.
Sinabi ni Robredo, Biyernes pa lamang ay kanselado na ang kanyang mga pisikal na pulong habang gagawi nang online ang lahat ng kanyang mga aktibidad ngayong Linggo.
Ito ay bilang pagsunod na rin aniya sa umiiral na protocol kontra COVID-19.
Samantala, umaasa naman si Robredo na agad silang maisasalang sa COVID-19 test gayundin na maging negatibo ang resulta nito.