Bago pa man tumama ang bagong Nina sa Bicol Region, agad na ipinag-utos ni Vice President Leni Robredo sa kanyang mga staff na paghandaan ang hagupit ng bagyo.
Ito ang paglilinaw ni Raffy Magno, ang Advocacy and Programs Officer ng Office of the Vice President, sa gitna ng mga batikos kay Robredo na nagbabakasyon ito sa Amerika habang hinahagupit ng bagyo ang balwarte nito.
Binigyang-diin ni Magno na bago pa pumasok ang bagyo ay naka-set up na ang response team ni Robredo sa bahay nito sa Naga City at naghihintay lang ng assessment na makukuha sa ground.
Patuloy aniya ang koordinasyon ng Bise Presidente sa kanyang team kahit nasa Amerika pa ito.
Ipinabatid ni Magno na tuloy-tuloy lang sila sa pagtatrabaho at hindi nila pinapansin ang mga pamababatikos kay Robredo ng ilang netizens sa pangunguna ni Mocha Uson.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal