Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na humugot ng lakas sa isa’t isa ngayong nananatili ang COVID-19 pandemic.
Ani Robredo mainam rin ang pakikipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay at aalalahanin ang mga masasayang pagkakataon na nangyari sa taong ito sa kabila ng pandemya.
Binago man aniya ng pandemya ang paraan ng pagdiriwang ng pasko ng mga Pilipino, hindi mababawasan ang kabuluhan nito dahil wala umanong pandemya o sakunang kayang umampat sa pagdaloy ng pag-ibig ng Maykapal.
Nawa aniya ay magsilbing liwanag ang bawat isa sa kaniyang kapwa dahil tuloy-tuloy ang bayanihan, pag-asa at pag-ibig.