Nagpahayag ng panghihinayang si Vice President Leni Robredo sa ginawang paglusaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Negros Island Region.
Ayon sa Bise Presidente, makabubuti para sa Negrense ang naging hakbang ng nakalipas na administrasyon para maging maayos ang pagbibigay ng serbisyo sa mga ito.
Magugunitang binuo ng nakalipas na administrasyon ang Negros Island Region subalit binuwag ito nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng Executive Order 28.
Batay sa naturang kautusan ng Pangulo, ibinabalik nito sa Western Visayas ang Negros Occidental habang sa Central Visayas naman ang Negros Oriental batay na din sa pagkakasunud-sunod.