Nagsimula nang magtrabaho si Vice President Leni Robredo bilang hepe ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Ito ay sa pamamagitan ng kanyang pagbisita sa isang resettlement site sa Calauan, Laguna.
Dito ay sumalubong kay Robredo ang ilang reklamo ng mga relocatees tulad ng kawalan ng suplay ng kuryente at tubig.
Kaugnay nito, umapela si Robredo ng pang-unawa at panahon upang solusyunan ang maraming problemang kinakaharap sa housing.
Aniya, bukod sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng kuryente at tubig kailangan ay mabigyan din ng trabaho ang maraming relocatees lalo’t nalayo na sila sa kanilang mga trabaho sa Kamaynilaan.
By Rianne Briones