Mag-iikot si Vice President Leni Robredo sa Bicol region mula ngayong Miyerkules hanggang sa Sabado para tutukan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyong Nina.
Ayon kay Robredo, pinakiusapan na nila ang mga nagpapaabot ng tulong na ang ibigay ay mga materyales na panggawa ng matibay na bahay at silid-aralan para hindi na masira sakaling may tumama muling malakas na bagyo.
Kailangan din anya ng ayuda sa pangkabuhayan dahil 90 porsyento ng mga pananim doon ang nasira ng bagyo.
Base sa obserbasyon ni Robredo, mabagal ang tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga sinalanta ng bagyong Nina.
Ngayong araw, tutungo ang Bise Presidente sa tatlong bayan ng Catanduanes at Albay.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal (Patrol 31)