Nananatiling si Vice President Leni Robredo ang pinaka kwalipikadong pambato sa pagkapangulo ng liberal party sa 2022 elections.
Ito ang inihayag ni Sen. Franklin Drilon, Vice Chairman ng partido.
Ani Drilon sa katunayan ay wala pa silang pinal na napaguusapan hinggil dito ngunit sa ngayon si Robredo ang kaniyang nakikitang kwalipakadong tumakbo bilang susunod na Pangulo ng bansa.
Gayunman wala pa umanong desisyon si Robredo kung siya ay tatakbo sa darating na halalan.
Pinag-aaralan din umano nila ang suporta para kay Manila Mayor Isko Moreno sakaling tumakbo ito sa mas mataas na posisyon.
Si Moreno ay pumangatlo sa isinagawang survey ng pulse asia para sa “Most Preffered Presidential Candidates” sa 2022 national elections