Nakiisa na rin si Vice President Leni Robredo sa panawagan kay Pangulong Duterte na maghinay-hinay ito sa mga salitang kaniyang binibitawan
Ayon sa Pangalawang Pangulo, itinuturing kasing pambansang polisiya ang lahat ng mga salitang namumutawi sa punong ehekutibo bilang isang lingkod bayan.
Hindi na dapat aniya isinasapubliko ng mga public servant ang anumang personal nilang opinyon sa mga usapin
Bagama’t maaari namang makipagkaibigan ang Pilipinas sa China at Russia, sinabi ni Robredo na maaari namang gawin ito nang hindi kumakalas sa pakikipag-alyansa sa Amerika
By: Jaymark Dagala