Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mga taga-suporta na huwag i-boycott ang mga negosyong sumusuporta sa kanyang mga kalaban sa halalan.
Kasunod ito ng panawagan ng kanyang mga taga-suporta na huwag tangkilikin ang isang restaurant sa Iloilo City kung saan nagdaos umano ng pagpupulong si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ikinabahala ito ni Robredo at sinabing i-respeto ang piniling suportahan ng ibang tao.
Samantala, hinikayat rin ni Marcos ang kanyang mga taga-suporta na huwag i-boycott ang mga negosyo dahil sa kanilang political stands.—sa panulat ni Hya Ludivico