Nangangamba si Vice President Leni Robredo na posibleng maabuso ang planong palawigin ang saklaw ng panukalang expanded wiretapping law.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni VP Leni, malaki ang tsansang magamit ang mga ito sa pulitika lalo na ng mga taga-administrasyon.
Magugunitang nais ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na palawigin ang bisa ng wire-tapping law para tapusin ang mga nagsisilbing banta sa seguridad at terorismo.
Una rito, tiniyak ng Malakaniyang na gagamitin lang nila ang pinalawak at pinalakas na wiretapping law sa mga kalaban ng estado na naghahatid ng gulo sa mga mamamayan.