Nangangamba si Vice President Leni Robredo sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na plano nitong pumatay ng 5 o 6 na mga bilanggo kapag naibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas
Ayon sa Bise Presidente, nakababahala ito lalo’t may survey na lumabas na 8 hanggang 10 Pilipino ang natatakot maging biktima ng extrajudicial killings.
Giit ni Robredo, binigo ng gobyerno ang sambayanan kaya’t pati ang mga inosenteng tao, aniya, natatakot at nangangamba na sa kanilang kaligtasan.
Sa halip na isulong ng pamahalaan ang kultura ng kamatayan at karahasan, dapat aniyang bigyang pansin ang pangunahing pangangailangan ng bawat pilipino gaya ng trabaho, dekalidad na edukasyon, libreng gamot at pang-ospital, at iba pa.
Ayon pa kay Robredo, maigting na pagpapatupad ng mga batas at ang pagtutulungan ng mamamayan at pamahalaan ang tunay na sagot sa pagsupil sa mga krimen.
By: Avee Devierte / Cely Bueno