Nangangamba si Vice President Leni Robredo sa planong reclamation sa ilang bahagi ng manila bay sa harap na rin ng pagsasailalim dito sa rehabilitasyon.
Ayon sa bise presidente, kinakailangang mapag-aralan munang maigi ang pangmatagalang epekto nito hindi lamang sa kalikasan kung hindi maging sa kalakhang Maynila sa kabuuan.
Bagama’t sinusuportahan niya ang rehabilitasyon sa Manila Bay, hinimok nito ang mga lead agency tulad ng Department of Environment and Natural Resources o DENR, Department of Tourism o DOT at Department of Interior and Local Government o DILG na pag-aralang maigi kung makabubuti ba o hindi ang reclamation lalo’t siksikan ang tao sa Metro Manila.
Gayunman, hinamon ni Robredo ang mga kinauukulang ahensya na bigyang pansin ang mga maaapektuhang residente malapit sa Manila Bay upang hindi naman iyon magresulta ng gulo at mas malaking problema.