Nangutang si Vice President Leni Robredo para mabuo ang P8-M na ibinayad niya sa Presidential Electoral Tribunal o PET para sa kanyang counter protest sa election case ni dating Senador Bongbong Marcos.
Ayon sa legal adviser ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, bahagi ng P8-M ay mula sa personal na pondo ng Bise Presidente habang ang iba ay hiniram nito sa mga kamag-anak ng kanyang yumaong asawang si Jesse Robredo na sina Vicente Hao Chin, Pablito Chua at Rafael Bundoc.
Ayon kay Gutierrez, handa ang Bise Presidente na magkabaun-baon sa utang mapigil lang ang tangkang pag-agaw sa pwesto nito.
Sa ilalim ng Code of Conduct for Public Officials ipinagbabawal sa sinumang opisyal ng gobyerno na tumanggap o manghingi ng anumang salapi mula sa kahit na sino habang ito’y nanunungkulan.
P8-M ni Robredo bahagi lamang ng mahigit sa P81-M na dapat nilang bayaran ni Marcos
Naglagak na ng P8-M cash deposit si Vice President Leni Robredo para sa kanyang kontra protesta laban sa election protest sa kanya ni dating Senador Bongbong Marcos.
Ang inilagak na pera ni Robredo sa PET ay bahagi lamang ng mahigit sa P81-M na dapat nilang bayaran ni Marcos para sa magkahiwalay nilang protesta.
Mahigit P66-M dito ang gagamitin para makuha ang mga materyales na gagamitin para sa protesta ni Marcos at mahigit P5-M para sa mga election materials sa petisyon naman ni Robredo.
Una nang humirit si Robredo sa Korte Suprema na i-delay ang pagbabayad subalit ibinasura ito ng hukuman.
By Len Aguirre |With Report from Jonathan Andal / Bert Mozo