Nakatakdang makipagpulong si Vice President Leni Robredo sa mga opisyal ng embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas para pag usapan ang problema sa iligal na droga.
Ito ay matapos ang ginawang pagbati ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa bagong posisyon ni bise presidente bilang drug czar.
Ayon kay Robredo, plano niyang gawin ang pakikipag usap sa mga opisyal ano mang araw ngayong linggo.
Samantala, bukod sa pamunuan ng embahada ay makikipag pulong din ang bise presidente sa mga opisyal ng United Nations at mga multi sectoral groups.