Nakatatawa pero nakaiinsulto.
Ito ang reaksyon ni Vice President Leni Robredo sa mga kumakalat sa social media tungkol sa kanyang umano’y pagbubuntis.
Ayon kay Robredo, ayaw na niyang patulan ang nasabing maling impormasyon dahil parang pinatototohanan lamang niya iyon kung sasagutin pa.
Gayunpaman, iginiit ng Bise Presidente na tila isang insulto para sa lahat ng kababaihan ang ganoong tsismis.
Sa isang pahayag, nanindigan ang kampo ni Robredo na may taong naninira rito.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal