Inihayag ni Vice President Leni Robredo na negatibo siya sa COVID-19 matapos na may makasalamuhang COVID-19 patient noong nakaraang linggo.
Ayon kay Robredo, agad siyang nag-quarantine at kalauna’y sumailalim sa COVID-19 test.
Aniya, balik opisina siya simula ngayong araw.
Matatandaang noong Abril nang mag-self-quarantine si Robredo matapos na ma-expose sa kanyang bodyguard na tinamaan ng nasabing sakit.—sa panulat ni Hya Ludivico