Tatanggap ng parangal si Vice President Leni Robredo sa bansang Thailand ngayong araw.
Ito ay matapos siyang tanghalin bilang isa sa Honorary Outstanding Woman in 2016.
Ayon sa ulat, ibibigay ang pagkilala kay Robredo dahil sa dedikasyon nito sa mga kababaihan na mapaunlad ang kanilang buhay, mga karapatan, pagsusulong ng gender equality at para mapagtagumpayan ang mga balakid upang maging isang successful ASEAN woman leader.
Tuwing unang araw ng Agosto, ipinagdiriwang ang pagkilala kay Queen Sirit ng Thailand na nagsimula noong 2003 kung saan binibigyang pagkilala ang matatagumpay na kababaihan sa Asya.
By Ralph Obina
Photo Credit: Office of the Vice President