Iginiit ni Vice President Leni Robredo na patuloy niyang babantayan ang kanyang posisyon bilang Pangalawang Pangulo ng bansa sa kabila ng pagbibitiw nito sa pwesto bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Una, aniya, siyang sinabihan na huwag nang dumalo sa mga pagpupulong ng gabinete hangga’t hindi sinasabing maaari na.
Sinabi ni Robredo, bagamat hindi siya tahasang tinanggal sa pwesto, minarapat na lamang niyang magbitiw dahil hindi naman siya makaka-function nang hindi dumadalo sa mga naturang cabinet meeting.
By: Avee Devierte