Patuloy na umaapela si Vice President Leni Robredo sa Comelec para i-extend ang registration ng mga botante para sa 2022 national elections.
Ayon kay Robredo, naiintindihan naman niya ang pagtatakda ng deadline subalit dapat ay ikunsider ng Comelec na nahaharap ang bansa sa extra ordinary situation dahil sa pandemya na maaaring nakaapekto sa mga nais pa sanang magpa rehistro.
Mas marami pa aniyang botante ang makapagpapa rehistro kung i-eextend ang registration na una nang ibinasura ng Comelec at sa halip ay pinalawig na lamang ang oras ng registration at nagbukas sa mga mall ng registration areas.