Pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang wreath laying ceremony o pag-aalay ng bulalak sa monumento ni Gat Jose Rizal sa Luneta kaninang umaga.
Ito ay bilang paggunita sa ika isang daan at dalawamput dalawang anibersaryo ng kamatayan at kagitingan ng pambansang bayani ng bansa na si Jose Rizal.
TINGNAN: VP Leni Robredo at NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, nanguna sa seremoniya para 122th Rizal Day. | via @jaymarkdagala
Photo Courtesy: NCRPO-PIO pic.twitter.com/BSE0SLoTbR
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 30, 2018
Inaasahan namang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay pugay kay Rizal sa Rizal Park sa Davao City mamayang hapon.
Si Rizal na isang nobelista at doctor ay hinatulan ng kamatayan dahil sa rebelyon laban sa Spanish colonial government noong Disyembre 30 taong 1896.