Pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo ang mga miyembro ng Presidential Electoral Tribunal (PET) kasunod ng pagbasura nito sa inihaing protesta ni dating Senador Bongbong Marcos, matapos ang halos limang taon.
Nagpasalamat din si Robredo sa kanyang mga tiga-suporta, abogado at staff para sa kanilang mga sakripisyo, sa kabila ng mga kuwestiyon sa legalidad ng kanyang mandato bilang pangalawang pangulo.
Dagdag ni Robredo, malaki rin ang maitutulong ng desisyon ng korte suprema na umupo bilang PET para mas mapatatag at mapalakas pa ang kanyang kampo.
Magbibigay daan din aniya ito sa kanila upang mas mapagtutuunan pa ng pansin ang mga higit na mahahalagang trabaho at pagbibigay serbisyo.
Naitaguyod natin yung tunay na pasya noong 2016 election, mula naman noong simula parati ko nang sinasabi…na sa dulo ng lahat katotohan yung mananai. Naniwala tayo sa katotohanan ng ating pagkahalal, naniwala sa proseso, naniwala tayo sa integridad ng mahistrado sa Presidential Electoral Tribunal and we are very happy and grateful that this trust is affirmed,”pahayag ni Vice President Leni Robredo.