Pinayagan ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) si Vice President Leni Robredo na makakuha ng kopya ng ballot images.
Kaugnay ito sa recount na hinihingi ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos hinggil sa resulta ng May 2016 Elections.
Hindi naman nagbigay ng dahilan ang PET kung kaya’t pinagbigyan ang kahilingan ni Robredo na makakuha ng kopya ng balota at report mula sa decrypted secure digital cards mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental na sentro ng protesta ni Marcos.
Winelcome naman ng kampo ni Robredo ang nasabing pasya ng PET dahil makakapag – coordinate na sila sa Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa procedure at supplies na kailangan para sa soft copies.