Target ni Vice President Leni Robredo na mapagawa ang 1.4 million na kulang na pabahay para sa mga nasalanta ng kalamidad at mga mahihirap bago matapos ang kanyang anim na taong termino
Ayon sa bise, magagawa lamang ito kung babawasan ang napakahabang proseso ng pagkuha ng disenteng pabahay.
Napakarami kasi anyang papeles, opisina at mga pirma ang kailangang pagdaanan ng isang mahirap bago makakuha ng bahay mula sa gobyerno.
Kaya naman sa panunungkulan anya niya bilang chairman ng HUDCC o Housing and Urban Development Coordinating Council, isa ito sa kanyang tutugunan.
Sa pagtatapos ng kanyang termino, plano ni Robredo na makapagtayo ng 5.5 million na pabahay sa buong bansa para sa mga mahihirap.
By Jonathan Andal