Bukas si Vice President Leni Robredo na tumakbo sa 2022 presidential elections.
Gayunman inamin ni Robredo na mas gusto niyang tumakbo sa local elections.
Sinabi ni Robredo na mas mabilis siyang makakapagpasya sa tatakbuhang puwesto kung sapat ang kanyang resources lalo pat kakaunti na lamang silang natira sa kanilang partido.
Marami aniyang dapat paghandaan bago naman niya ikunsider ang pagtakbo bilang pangulo ng bansa subalit magpapasya siya sa kanyang political career sa Setyembre o isang buwan bago ang paghahain ng certificate of candidacy.
Bago naging vice president si Robredo ay naging kongresista ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.