Pumalag si Vice President Leni Robredo sa muling pang iinsulto at pangmamaliit sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng naging pahayag ng pangulo kung saan tinawag nitong mahina at hindi karapat-dapat na pumalit sa kanya si Robredo.
Ayon sa pangalawang pangulo, walang may gustong magkasakit ang pangulo ngunit hindi aniya dapat na ginagawang dahilan ang sakit para siya ay maliitin.
Ipinamukha ni Robredo sa pangulo na ang maling diskarte ng presidente sa nakalipas na dalawang taon ay nagresulta ng mas mahal na bilihin, paghihirap ng mga tao, pagdami ng alegasyon ng korupsyon at pagpatay sa libu-libong Pilipino.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Robredo ang pangulo na umaksyon sa problema ng bayan sa halip na manira ng mga kritiko at palagiang sisihin ang nakaraang administrasyon.