Sa halip na hulihin o ikulong, turuan na lamang kung anong tamang pagsusuot ng face mask.
Ito ang panawagan ni Vice President Leni Robredo sa mga awtoridad matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga pasaway na Pinoy.
Giit ni Robredo, dapat turuan ang publiko kung papaano ang tamang paggamit ng mask.
Aniya, posibleng magdulot pa ng matinding problema kung ikukulong ang mga violators dahil sa tindi ng congestion ng mga piitan sa bansa.