Wala sa lugar at iresponsable.
Ganyan inilarawan ni Vice President Leni Robredo ang ginagawa ng ilang opisyal ng gobyerno na umano’y sangkot sa ‘red-tagging’ sa mga organizer ng community pantries sa bansa, kabilang na si Ana Patricia Non.
Giit ni Robredo, nakalulungkot isipin na sa halip na magpasalamat at matuwa sa mga taong tumutulong sa kapwa ay hinahanapan pa ng mali at butas ng mga ito.
Matatandaang iginiit ni Secretary Hermogenes Esperon, Jr. na bawal nang magsalita ang mga opisyal at miyembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos itong magpalabas ng ‘gag order’ ukol sa nasabing usapin.