Pabor si Vice President Leni Robredo sa inirekomendang granular lockdown ngunit aniya ay dapat rin itong sabayan ng ilang mga hakbang upang ito’y maging epektibo.
Aniya, kung magpapatupad ng granular lockdown sa mga COVID hotspot ay dapat na buhusan ito ng ayuda, COVID-19 testing at contact tracing.
Giit ni Robredo, marami ang hindi nade-detect na tinamaan ng virus, kaya marami ang nahahawa.
Ayon pa sa Bise Presidente, anuman ang quarantine status ay dapat na magpatupad ng mas pinaigting na hakbang ang pamahalaan, partikular na ang COVID-19 testing at contact tracing, upang mapigilan ang pagkalat ng virus.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico