Binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tuloy ang pagbabakuna sa bansa ng Astrazeneca COVID-19 vaccines.
Sa laging handa public briefing, sinabi ni Vergeire na ito’y kasunod nang rekomendasyon ng food and drug administration.
Ngunit base sa evaluation at rekomendasyon ng World Health Organization ay itutuloy ang bakunahan gamit ang astrazeneca vaccines.
Bukod dito, marami aniyang benepisyo ng makukuha kapag naturukan ng bakuna kumpara sa panganib na maaaring makuha kapag hindi nabakunahan.
Samantala, sinabi ni Vergeire na magkakaroon pa sila ng pulong sa national immunization technical advisory group para makapaglabas ng panibagong panuntunan sa paggamit ng Astrazeneca vaccines.
Magugunitang, pansamantalang suspindihin ang paggamit ng bakunang Astrazeneca sa mga animnapung taong gulang pababa dahil sa umano’y blood clot.—sa panulat ni Rashid Locsin