Sasampahan na ng impeachment complaint sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Atty. Tom Berenguer, isa sa mga maghahain ng reklamo, betrayal of public trust, graft and corruption at paglabag sa Saligang Batas ang gagamitin nilang batayan sa pagsasampa ng kasong impeachment.
Ito ay matapos umanong siraan ng Pangalawang Pangulo ang kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga sa pamamagitan ng video message na ipinadala nito sa United Nations o UN.
Sa naturang video din ay isiniwalat ni Robredo ang ukol sa ‘palit-ulo’ scheme at ang warrantless arrests na ginagawa ng mga pulis.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Atty. Tom Berenguer