Suportado ni Vice President Leni Robredo ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang deployment ban sa mga OFW sa Kuwait.
Ayon kay Robredo, tama lang ang ginawa ng Pangulo.
Isa anya itong malakas na pahayag laban sa karahasan sa mga Pilipino sa Middle East.
Suportado rin ni Robredo ang panawagan ng Pangulo sa Philippine Airlines at Cebu Pacific na tumulong sa pagbiyahe sa mga OFW mula Kuwait patungong Pilipinas.
Noong Biyernes, nagdesisyon ang Presidente na ituloy ang deployment ban ng OFW sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ng isang Pilipina doon na ang bangkay ay natagpuan sa loob ng isang freezer sa apartment ng dati nitong amo.
Posted by: Robert Eugenio