Nagpahayag ng suporta si Vice President Leni Robredo sa ilang mga isyu at polisiya na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA o State of the Nation Address kahapon.
Kabilang sa ilan sa mga sinusportahan ni Robredo ay ang pagpapatuloy ng No Balance Billing Policy ng PHILHEALTH at ganap na implementasyon ng RH Law o Reproductive Health Law.
Gayundin ang pagtutulak sa National Land Use Bill at ang panawagan sa responsableng pagmimina.
Gayunman, tutol si Robredo sa hinihiling ng Pangulo na pagpasa sa death penalty bill at iginiit ang kahalagahan ng human rights at rule of law sa pagsugpo ng krimen at iligal na droga sa bansa.
- Krista De Dios | Story from Jonathan Andal