Tinanggihan ni Bise Presidente Leni Robredo ang alok na pagpupulong ni dating Senador Antonio Trillianes.
Kwento pa ni Trillianes, Enero pa lang daw ay nag-rerequest na sila kay robredo ng pulong para sa mga paghahanda.
Pero tumanggi nga ito ay sinabing kasalanan daw umano sa Diyos ang pag-uusap sa darating halalan dahil may pandemiya.
Ang mga pahayag na ito ng dating Senador ay matapos maiulat na nakipagkita si Robredo kina Senador Panfilo Lacson at Senador Richard Gordon.
Ayon naman kay Barry Gutierrez, tagapagsalita ni VP Leni, dapat daw ay idinaan na lang ni Trillanes sa pamamagitan ng mensahe at hindi sa isang tweet.
Nilinaw naman ni Gutierrez na ang pagkikitang iyon ay hindi nangangahulugan na pakikipag-alyansa sa ng bise sa mga ito.—sa panulat ni Rex Espiritu