Diretsahang tinawag na “boba’ ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr si Vice President Leni Robredo.
Kasunod ito ng pagbatikos ni Robredo sa ginawa ng DFA na pagkansela sa mga diplomatic passport matapos na magka aberya si dating foreign affairs sec Albert Del Rosario sa pagpasok nito sa Hong Kong.
Sa Twitter, sinabi pa ni Locsin na ginawa niya ang pagkansela sa lahat ng diplomatic passport upang hindi maitsupwera si Del Rosario.
Nanawagan pa ito na sana ay bigyan ng utak ang pangalawang pangulo.
Kinalaunan ay nagsorry din si Locsin sa kanyang naging pahayag at inaming hindi ito ang maginoong pakikipag usap sa isang babae.
Sa huli ay sinabi nitong hindi niya nais na bastusin ang vice president ngunit sadyang may mga bagay na kinakailangan ng malalimang pag iisip kaya sa susunod ay dapat na tanungin muna siya nito.
Robredo warns against cancellation of diplomatic passports of former gov’t officials HEY, BOBA, THAT IS PRECISELY WHY I HAVE ORDERED THE CANCELLATION OF ALL COURTESY DIPLOMATIC PASSPORTS BECAUSE I REFUSE TO SINGLE OUT DEL ROSARIO. https://t.co/5VIXUMjlCs via @manilabulletin
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) June 24, 2019
I don’t mean to be disrespectful Ma’am. You are just a missing heartbeat away from the Presidency. I respect you for that accident of fortune. But there are things that require a measure of study & thought. Please ask me next time. At your service, Ma’am. https://t.co/ghTHGtwKeg
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) June 24, 2019