Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang ginawang pagtanggal sa mga kapartido niyang Senador mula sa mga pinamumunuang komite ng mga ito sa Senado.
Iginiit ni Robredo na patunay lang ito na hindi kayang tumanggap ng anumang klaseng kritisismo ang Administrasyong Duterte.
Masyado na aniyang nahuhumaling ang Duterte Administration sa pagmomonopolyo ng kapangyarihan at sinasadya ng mga ito na patahimikin ang mga hindi sumasang-ayon sa kanila.
Tiniyak ng Bise Presidente na hindi sila tatahimik at nanindigang kailangan ng isang demokrasya ang mga kritisismo.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal