Tutol si Vice President Leni Robredo sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang buwagin ang CHR o Commission on Human Rights.
Ayon kay Robredo, mawawalan ng proteksyon ang mga mahihirap laban sa pang-aabuso ng mga nasa gobyerno kapag nawala ang CHR.
Binigyang-diin ni Robredo na kaya inilagay ito sa konstitusyon ay dahil sa mahabang karanasan ng bansa sa human rights abuses.
- Meann Tanbio | Story from Jonathan Andal