Umapela si Vice President Leni Robredo sa mga kongresista na gamitin ang kanilang konsensya kapag isinalang na sa ikatlo at huling pagbasa ang death penalty bill sa Kamara.
Ayon kay Robredo, brinaso lamang ang ilang mambabatas para bumoto pabor sa pagbuhay sa parusang kamatayan.
Pinaspasan din anya ang pagpasa sa death penalty bill at hindi na nabigyan ng pagkakataon ang ilang kongresistang gusto pang mag interpellate.
Kasabay nito, muling nanindigan si Robredo na walang maidudulot na kabutihan ang parusang bitay lalo’t palyado ang sistema ng hustisya ng bansa.
By: Drew Nacino