Walang aasahang puwesto sa gabinete si Vice President Leni Robredo.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagmagandang-loob na siya noon kay Robredo matapos gawing chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC, pero kapag kasama ito sa demonstrasyon ng mga dilawan ay pagpapatalsik ang isinusulong nito.
Hindi aniya talaga marunong tumanggap ng pagkatalo ang mga talunang partido na kinabilangan ni Robredo.
Binigyang-diin ng Pangulo na mahirap kasama sa grupo ang gustong magpatalsik sa kanya dahil tiyak aniyang gulo lamang ang kapupuntahan nito.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping