Magtutungo sa Japan sa susunod na linggo si Vice President Sara Duterte upang daluhan ang state funeral ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Ginawa ni VP SARA ang anunsyo matapos ang ginawang pagbisita ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa sa Office of the Vice President kahapom.
Sinabi ng pangalawang Pangulo na kanyang dadalhin ang condolence letters mula kay presIdent Ferdinand Marcos Jr., at ama nito, na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Binaril at napatay si Abe habang nangangampanya sa Nara, Japan noong July 8, 2022.