Pabirong sinabi ni Vice President Sara Duterte na papalitan niya sa pwesto si House Speaker Martin Romualdez, kung hindi agad ito babalik sa Batasang Pambansa.
Kung hindi pa aniya babalik si Speaker Romualdez, baka tawagin na siyang VP-Speaker sa Lunes.
Ginawa ng bise-presidente ang pahayag sa isang press conference kung saan sinabi rin niyang marami siyang rekomendasyon kung paano mapapaganda ang official headquartes ng Kamara.
Sa kabila nito, kinilala ni VP Sara ang mababang kapulungan sa mga ginagawa nito para makatipid, tulad na lamang ng scheduled power at water outages, upang mabawasan ang paggasta ng gobyerno.
Kasalukuyang nasa Samar ang lider ng kamara para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, na inilarawan naman ng pangalawang pangulo bilang bahagi lamang vote-buying tactic nito. - sa panulat ni Laica Cuevas