Ikinagalak ni Vice President Sara Duterte ang pagsakatuparan ng Samal Island – Davao City Connector ( SIDC) bridge project.
Ito’y kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony kaninang umaga na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ayon sa pangalawang pangulo, napaka-importante ng pagkakaroon ng tulay sa pagitan ng Davao City at Island Garden City of Samal, Davao Del Norte lalo na sa usaping pang-ekonomiya at accessibility.
Aniya, matagal nang napag-usapan ang pagtatayo ng tulay kahit pa sa panahon ng kanyang lolo na si Vicente Duterte na noo’y gobernador pa ng undivided Davao Province.
Umaasa naman ito na pagkalipas ng 5 taon ay matatapos na rin ang nasabing proyekto.