Itinilaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Si Vice President Sara Duterte bilang Officer-In-Charge habang nasa state visits ito sa Indonesia at Singapore ngayong linggo.
Batay sa Special Order No. 75, si Duterte ang hahawak sa day-to-day operation sa Office Of The President mula ngayong araw September 4 hanggang September 7.
Nabatid na ang pagbisita ni Marcos Jr., sa Indonesia at Singapore ang kaniyang unang state visit bilang Presidente ng Pilipinas.