Nagsagawa ng ilang aktibidad na may kaugnayan sa edukasyon si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kaniyang pagbisita sa Japan noong September 26 hanggang 27 bilang special envoy ng Pilipinas sa state funeral ni Dating Prime Minister Shinzo Abe.
Ayon sa Office of the Vice President (OVP) nagpunta si Duterte sa isang elementary school sa Japan at nakipagkita sa mga opisyal ng ministry of education, culture, sports at science and technology.
Pinag-usapan ng mga ito ang blended learning, values and skill formation, stem education at COVID-response.
Kasama ng bise-presidente sa mga aktibidad nito sa Japan ang isang Grade 9 student na si Trix at ang nanay nitong si Jen na mula sa Dinalupihan, Bataan.
Inimbitahan si Jen sa two-day trip bilang bahagi ng “You can be VP” na proyekto ng OVP para makapagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral na abutin ang mga pangarap nito.
Bukod dito, nakipagkita rin si Duterte sa ilang miyembro ng filipino community.
Samantala, nakabalik na ang bise-presidentte sa bansa kahapon.