Nakiramay si Vice President Sara Duterte sa mga pamilya ng mga namatay sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon kay Duterte, na kasama ang mga Pilipino sa kanyang panalangin lalo na ang mga nasawi dahil sa bagyong paeng at libo-libong pamilya na nawalan ng tirahan.
Uunahin aniya ng Marcos Administration ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga apektadong pamilya.
Samantala, patuloy na magtatrabaho ang mga institusyon ng gobyerno at mga local government unit para sa mga emergency operations kasunod ng krisis na dala ng Bagyong Paeng. - sa panunulat ni Jenn Patrolla