Tumangging mag-komento si Vice President Sara Duterte kaugnay kay “Mary Grace Piattos.”
Ayon kay VP Sara, hindi dumaraan sa kaniya ang lahat ng mga papel o dokumento sa OVP.
Wala rin anya siyang nakitang acknowledgment receipts kung saan nakasulat ang pangalang Mary Grace Piattos na tumanggap ng confidential fund.
Una rito, kinuwesyton ng House Good Government Committee ang nasa mahigit isanlibong sinasabing kahina-hinalang acknowledgment receipts na pinirmihan ni piattos na siya namang isinumite ng OVP sa COA. - sa panulat ni Kat Gonzales