Pansamantalang tatayong caretaker si Vice President Sara Duterte habang nasa 3 araw na state visit sa China si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang inihayag ni Press Secretary Officer-In-Charge Cheloy Garafil matapos bumiyahe ang pangulo kasama ang kaniyang delegasyon.
Sinabi pa ni Garafil, pareho pa rin ang magiging set-up gaya ng ipinatupad sa mga nakalipas na biyahe ni Pangulong Marcos Jr. Sa ibang bansa.
Sinabi naman ng punong ehekutibo na mawawala siya sa bansa sa loob lamang ng 48 oras para tugunan ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jin Ping.