Pinabulaanan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na mayroong nangyayaring rebranding ng Martial Law at EDSA Revolution Sa ilalim ng Marcos Administration.
Ginawa ni VP Sara ang pahayag kasunod ng isang social media post ukol sa paggamit ng isang learner mula Marinduque ng salitang ‘new society’ o ‘bagong lipunan’.
Binigyang diin ni Duterte na tila kulang sa konteksto ang naturang module kung saan hindi naman ipinakita ang buong pahina na malinaw na tumatalakay sa kasaysayan ng bansa.
Aniya, wala sa mandato ng kagawaran ang historical revisionism dahil kasalukuyan silang abala sa mga programang naglalayong maiangat ang kalidad ng basic education sa Pilipinas.